ang hirap pala sumabay sa galaw ng mundo, lalo pa't wala itong eksaktong direksyong tinatahak, paikot-ikot lng. nakakahilo. at sa bawat pagdaan ng mga araw, ang mga tao sa paligid mo, gumagalaw rin. nakakalito. akala mo hindi sila mawawala, at hindi ka rin lalayo. nakakalungkot. mga bagong mukha ang iyong makakasalubong. ngingiti sila, pero ikaw ay hindi magtitiwala hangga't hindi sila sumisimangot sa iyong pagkadapa.
minsan ka na ring nagpasalamat, naging masaya. bakit parang kay layo na ng mga halakhak. hindi mo na alam ang gagawin. nagawa na ang mga pagkakamali. paano ba babangon? sana may makakasagot. pero wala. sasabihin nila, 'kaya mo yan' o kaya 'maaayos rin ang lahat' ngunit wala pa rin.
ngiti lng ng ngiti. pagod ka na. ngiti pa rin. gusto mo na umiyak. ang mga labi, tuyo na. matatapos rin ito... ngiti lang. sabi nila, magsuot ng maskara, pero hindi ba nakakainis ang pagbabalatkayo? mas mahirap pa ang pagngiti kaysa pagsimangot. pero ngiti pa rin, dahil duwag kang ayaw ipakita sa mundong mahina ka.
sa gabi gusto mo na lang matulog. nauubos na ang kulay mo. kupas. ano pa ang ihahain mo.
wala na. wala na.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment