Sunday, February 24, 2008

kung bakit sila natutong umibig

Noong unang panahon
Walang puso ang mga lalaki
Kung saan naroon ang puso
Mayroon lamang kawalan
Hindi nila ito kailangan
Buhay ang kanilang mga dugo kaya't kaya nitong pumunta sa kahit anong parte ng kanilang katawan ng hindi nangangailangan ng pagtibok ng kanilang puso

Hindi nagtagal hindi na rin nila kinailangan ng babae
Sapat na ang kanilang mga ari

At sa mundong ito na walang mga babae
May nabuhay na isang lalaki na lipad ng lipad
Minsan narito, minsan nariyan
At sa isang sangang kaniyang dinapuan
Sinakop siya ng banyaga
Siya ay ginahasa

At sa binhing pinainom sa kanya
Na doon sa kawalan sa kaniyang dibdib naitanim
May tumubong puno kung saan dumaloy muli ang kaniyang dugong nanghina na sa kakapasa ng mga braso

Doon nagsimulang nagkapuso ang mga lalaki
Pusong nagngangalit
Gayunpaman ay tumitibok
Sa kanila dumaloy din muli ang lahi ng mga babae
Ng mga Inang naghehele sa mga lalaking muntik nang hindi tubuan ng puso

Monday, February 04, 2008

watching her and the king

Entry # 3

It has been the most beautiful funeral I've ever been to. I cried even though I didn't know the guy. Or may be I did. Everyone did. He was in the papers. What could one do but be intrigued.

During the procession the rain almost fell and the sun peeked - heaven couldn't make up its mind. Who could? people loved and hated him. Well me, I didn't care, I had my own dead to think of. Well yes, I sort of cried, but only because every detail was so magnificent it was almost like burying a god.

well, enough of him, he's not the dead I've been praying for.

~~~~~~~

and now, you.
When will you return?

pagtalikod

hindi ko alam kung bakit
hindi naman ako sira
pero naghahanap din ako
at hindi makapwesto

minsan iniisip ko
baka minsan nangyari din sakin yun
minsan hinihiling ko pa nga
pero hindi,
walang dahilan,
kahinaan lang.

minsan lang ako umasa
sa iilan lamang
at kung minsan nagagalit ako
sigurado akong hindi iyon magtatagal
dahil ayaw kong mawalan
at sanay na kong ganyan
ayaw kong mawalan
sanay nang maging bulag

kaya sa kaunting ulan
masaya ako
sa kaunting salita
natutunaw ako

un lang
un lang

at dahil nawawala ako sa kababawan
lalong nahihirapan
laging may kulang
laging may poot

pwede na ito
pwede na ito

hindi tumatalikod
hindi marunong tumalikod