Noong unang panahon
Walang puso ang mga lalaki
Kung saan naroon ang puso
Mayroon lamang kawalan
Hindi nila ito kailangan
Buhay ang kanilang mga dugo kaya't kaya nitong pumunta sa kahit anong parte ng kanilang katawan ng hindi nangangailangan ng pagtibok ng kanilang puso
Hindi nagtagal hindi na rin nila kinailangan ng babae
Sapat na ang kanilang mga ari
At sa mundong ito na walang mga babae
May nabuhay na isang lalaki na lipad ng lipad
Minsan narito, minsan nariyan
At sa isang sangang kaniyang dinapuan
Sinakop siya ng banyaga
Siya ay ginahasa
At sa binhing pinainom sa kanya
Na doon sa kawalan sa kaniyang dibdib naitanim
May tumubong puno kung saan dumaloy muli ang kaniyang dugong nanghina na sa kakapasa ng mga braso
Doon nagsimulang nagkapuso ang mga lalaki
Pusong nagngangalit
Gayunpaman ay tumitibok
Sa kanila dumaloy din muli ang lahi ng mga babae
Ng mga Inang naghehele sa mga lalaking muntik nang hindi tubuan ng puso
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment