Friday, April 07, 2006

Sa ilalim ng langit ng umaga
Kumikinang ang iyong mga mata
Sa ilalim ng tubig natutuliro
Hindi makahinga ang iyong puso

Kumalas ka sa kapit ng tinik
Rosas na puting nabahiran ng putik
Ang dating ganda , pilit binabalik
Dalawang pusong 'di dapat magtalik

Kumaliwa ng daan, hindi maaaring
Makita ang mukhang nahuhumaling
Sa dilim ng gabing wala ni isang bituin
Araw na alam nang mayroong ding taning

Ipikit ang mata sa pagsinag ng araw
Sa paghaplos ng init nananatiling maginaw
Isulong ang sirang panaginip ng kahapon
Sakaling maikukulong pa ang mailap na ibon

2 comments:

valmont said...

This is ms. cai pala. will analyze your poems later. am rushing an article. why don't you sign up for a writing workshop this summer? kay Aida Santos. i'll arrange a discount for you. =)

James said...

Paeng paeng paeng. Galing mo tlga :D

may blog spot din ako pero di msyado ginagamit (Pang videos lang, mga 2 weeks ago ko lang ginawa)

:)