Wednesday, September 27, 2006

nawala

suminsay ka,
-baka namalikmata lamang

sinisid ang gubat,
gubat na nagbabahay sa kababalaghan,
kababalaghan ng buhay,
buhay na pilit tinatakbuhan.

namaos sa pagkanta,
pagkanta ng papuri,
papuri para sa kung kanino mang magliligtas,
sa iyo.

hayun na nga!
isang guni-guni,
guni-guning likha ng isip,
isip na mapanlinlang.

isip na hindi makasunod,
napapatanga,
sa daloy ng buhay,
buhay na maraming sanga.

No comments: