Wednesday, May 10, 2006

tanong

Sino ka ba talaga?
Ano ba talagang gusto mo?
wag magtago sa gitara,
Kumanta ng iyong kanta.

Bakit ba gusto ka nila?
Bakit ba gusto rin kita?
Baka dahil gusto ka nila,
Tumitingin sa mata ng iba.

O baka dahil ayaw mo sila
At parang ayaw mo rin ako,
kaya't nais maangkin ka
Maging ang pipiliin mo.

Paano kung kasi mabait ka,
At laging mapagkumbaba,
Kami'y pinapatawa,
Binibigyang halaga.

No comments: